Tuesday, January 22, 2008
...sigaw ng isang kandidato...
Kapayapaan. Kalayaan. Katarungan. Pawang mabibigat na salita na hinangad ng karamihan. Mga ideyang nagpagalawsa murang isipan ng tao na nagging hudyat sa kanilang pagkamulat. Mga adhikain na siyang huhubog sa pgbuo ng pananaw sa buhay at huhugis ng isang pagkakakilanlan ng bawat isa. Layunin nitong bumuo ng isang masaya, mapayapa, at maayos na lipunan. Ang mga mithiin na isinusulong ng bawat kandidato tulad lamang ni Jedd Benedict Kris T. Mahilum, isang estudyante na kumukuha ng Computer Science, na tumatakbo bilang isang kinatawan ng Computer Studies Division upang ipagpatuloy ang sinimulan at ipalaganap ang pag-usbong at pagbabago. Ngunit bago ang lahat, atin munang kilalanin ang isa sa mga kandidatong tumatakbo bilang isang kinatawan na talaga nga namang mapagkakatiwalaan. Masinop at maagap at sa lahat ng gawain tunay ngang maaasahan. Mabuting kaibigan, mahusay na mag-aaral, mapagmahal na kapatid, at masunuring anak. ‘Yan si Jedd, handang sumagupa sa bawat unos ng buhay, tumatayo sa oras na nadadapa, kaibigan sa oras ng kagipitan at tenga na malalapitan. Sa bawat pagsubok na dumarating ay pilit binabangon ang sarili kasabay din ang pagbangon ng mga kasama. Mahusay at sa lahat ng oras karamay. Walang pinipili, walang tinatangkilik at higit sa lahat walang kinikilingan. Bawat suliranin at gawain ay ginawa walang pag-iimbot at walang pag-aalinlangan. Pawing serbisyong totoo at tapat sa tungkulin 24 oras.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment